top of page

The two gardens of Eden (tagalog)

Writer's picture: rainzy lopezrainzy lopez

Updated: Sep 10, 2021




Unang Halamanan


Mababasa sa aklat ng Genesis na gumawa ang Diyos ng halamanan sa Eden para doon ilagay ang kanyang nilalang na tao para alagaan at ingatan.


Genesis 2:8 At naglagay ang Panginoong Diyos ng isang halamanan sa Eden, sa dakong silanganan: at inilagay niya roon ang taong kanyang nilalang


Ito yung alam natin nung maliit pa tayo sa Bible study sa ating mga kanya kanyang simbahan.Alam din natin na ito’y nag iisang halamanan lamang na nakasulat sa biblia ng detalyado at kung saan ito matatagpuan. Dito rin unang namuhay sina Adan at Eva. Lahat ng puno na may bunga ay pwede nilang kainin maliban lang sa isang puno na nasa gitna ng halamanan ang puno ng pagkakilala ng mabuti at masama.Ngunit sa kasamaang palad ay kumain ang babae nito at ibinigay sa lalaki para matikman din.At dun na sila namulat na sila”y hubad at nagkasala sa Panginoon.Sa panahong ding yon,inalis sila ng Diyos sa halamanan at isinara na may espadang nagniningas na umiikot sa lahat ng panig upang hindi malapitan ninuman habang binabantayan ng mga Kerubin.


Genesis 3:24 Ano pa't itinaboy ang lalake; at inilagay sa silanganan ng halamanan ng Eden ang mga Querubin at ang isang nagniningas na tabak na umiikot, upang ingatan ang daang patungo sa kahoy ng buhay.


Pangalawang Halamanan


May isang talata sa biblia na tumutukoy rin sa halamanan na kung saan may nilalang na galing doon.


Ezekiel 28:13 Ikaw ay nasa Eden, na halamanan ng Dios; lahat na mahalagang bato ay iyong kasuutan, ang sardio, ang topacio, at ang diamante, ang berilo, ang onix, at ang jaspe, ang zafiro, ang esmeralda, at ang karbungko, at ang ginto: ang pagkayari ng iyong pandereta at iyong mga plauta ay napasa iyo; sa kaarawan na ikaw ay lalangin ay nangahanda.


Ang talatang ito ay tumutukoy kay Satanas. Siya pala ay nasa halamanan ng Diyos ng siya’y lalangin. Ibig sabihin pala,nauna pa si Satanas kaysa kay Adan at Eva na tumira doon.Ngunit siya'y naging mapagmataas dahil sa kanyang angking kagandahan at inihagis ng Diyos sa lupa at di na makabalik pa sa halamanan.


Samakatuwid,may dalawang senaryo pala sa halamanan ng Eden.Una,yung kay Adan at Eva pangalawa yong kay Satanas dati.


Sa aking sariling pananaw,ito ang nangyari noon,


Kaya pala,nung nandito na sa lupa si Satanas, ay gusto niyang bumalik sa halamanan pero pagdating niya doon, nakita niya na meron ng mga bagong nilalang ng Diyos ang nakatira. Kaso di niya ito mapaalis kasi ang Diyos mismo ang naglagay sa kanila at wala na siyang karapatan sa kanyang dating pinamumunuan.Kaya,gumamit siya ng nilalang na nasa loob din ng halamanan upang gawing kasangkapan sa paggawa ng masama laban sa mag asawa para maalis din sila doon. Ginamit niya ang ahas para linlangin nito ang mag asawa at napagtagumpayan niya nga ito.Tuluyan ngang inalis ng Diyos ang mag asawa sa halamanan kasi lumabag sila sa utos ng Panginoon na huwag kainin ang bunga ng kahoy sa pagkilala ng masama at mabuti.Dito rin pumasok ang kasalan sa sanlibutan.


Pagtatapos

Naisip ng Diyos na kailangan iligtas ang mga tao sa pangyayaring ito.Kaya ipinadala niya ang kanyang anak para maging sakrispyong hain sa Diyos para sa pagpapatawad ng kasalanan ng sanlibutan. Mahal kasi ng Diyos ang sanlibutan lalong lalo na ang mga tao na nilalang niya ayon sa kanyang wangis at larawan.Ito ang patunay na mahal tayo ng Diyos,


1 Juan 4:19 Tayo'y nagsisiibig, sapagka't siya'y unang umibig sa atin.


Conclusion:

Hindi po sapat na sabihin nating iisang scenario lang ang pangyayaring si Adan at Eva ay kasabay na naninirahan sa halamanan ng Eden ng lalangin sila ng Diyos. SI satanas ay isang basurang itinapon ng Diyos mula sa langit. Hindi rin wastong sabihin natin na kapag nagtatapon tayo ng basura ay doon natin itapon sa malinis na lugar gaya ng sa halamanan ng Eden. Mas nauna pang nanahan si satanas sa halamanan kaysa mga tao. Ito ang kaluwalhatian niya bago pa sya nag aklas sa panginoon. Sa kanya lahat binigay ng Diyos ang lahat ng kapamahalaan sa buong mundo lalong lalo na sa halamanan ng Eden.Kaya bumalik siya sa halamanan kasi ang akala niya pwede pa sya makapasok roon pero sa pagdating niya mayroon ng mga bagong nilalang ang nakatira na ang lahat ng kapamahalaan na gaya ng sa kanya dati ay andun na sa mga bagong nilalang ng Diyos. Gusto niya itong bawiin at napagtagumpayan niya ito. Kaya isa rin sa mga dahilan kung bakit namatay ang panginoong Hesukristo ay upang bawiin kay satanas ang ninakaw nito sa tao na kapamahalaan sa lahat. Kaya tama ang nakasulat sa aklat ng Roma 8:37

37 Hindi, kundi sa lahat ng mga bagay na ito tayo'y higit pa sa mga mapagtagumpay sa pamamagitan niyaong sa atin ay umibig.


Tayo’y higit pa sa mga mapagtagumpay ( more than conquerors ) kasi lahat ng mga kalat natin ay nilinis na ng Diyos hindi lang sa ating mga kasalanan kundi pati na rin sa kapamahalaan na ninakaw ng diyablo sa atin ay ibinalik Niya.



2 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


  • Facebook
  • Twitter
  • LinkedIn

©2021 by Praise & Worship

bottom of page