top of page

Bakit hindi pinatay ng Diyos si Satanas matapos niyang linlangin si Adan at Eva?

Writer's picture: rainzy lopezrainzy lopez

Updated: Sep 4, 2021


Pag sinabi nating Diyos, ang iisipin kaagad natin ay makapangyarihan sa lahat.Kayang gawin kahit anong bagay mapa imposible man at parang isang hari na lahat ng lumalabas sa kanyang bibig na salita ay dapat sundin ng lahat ng nasasakopan.Ang lahat ay nasa ilalim ng kanyang utos at dapat susundin ito bilang isang batas.


Tanong


Bakit hindi pinarusahan ng mabigat na parusa o pinatay ng Diyos si Satanas kahit siya ang dahilan ng pagkakasala ng tao sa mundo?


Bakit di niya pinigilan si Satanas na linlangin sina Adan at Eva kung alam nya ang mangyayari sa hinaharap?


Ang sagot sa unang tanong,

Ang Diyos ay makapangyarihan sa lahat maliban lang sa kanyang salita.Pag sinalita niya,ito’y tutuparin Niya sa ayaw man o sa hindi basta sinabi niya,ay gagawin Niya.

Hindi Niya matutulan ang mga salita na lumalabas sa kanyang bibig.


Key verse

Na sinasabi, Huwag ninyong galawin ang mga pinahiran ko ng langis. At huwag ninyong gawan ng masama ang mga propeta ko.

MGA AWIT 105:15 ABTAG


Sinabi ng Diyos sa talatang ito na huwag mong gawan ng masama ang kanyang mga pinahiran ng langis.



Ang patunay nito ay ang pangyayari sa pagitan ni Haring Saul at ni David na nooy di pa sya naging hari at palaging kinamumuhian ni Haring Saul.Mababasa natin sa aklat ng banal na kasulatan sa 1 Samuel 24:At kaniyang sinabi sa kaniyang mga lalake, Huwag itulot ng Panginoon na ako'y gumawa ng ganitong bagay sa aking panginoon, na pinahiran ng langis ng Panginoon, na aking iunat ang aking kamay laban sa kaniya, yamang siya ang pinahiran ng langis ng Panginoon.


Ganito ang sabi ni David sa kanyang mga kasamahan nung inutusan sya nila na patayin si Haring Saul para siyay maging ganap na malaya.


Ano ang koneksyon sa talatang ito at kay satanas


Ayon sa aklat ni Ezekiel, si Satanas pala ay pinahiran din ng Diyos.


Ikaw ang pinahirang kerubin na tumatakip: at itinatag kita, na anopa't ikaw ay nasa ibabaw ng banal na bundok ng Dios; ikaw ay nagpanhik manaog sa gitna ng mga batong mahalaga. Ikaw ay sakdal sa iyong mga lakad mula sa araw na ikaw ay lalangin, hanggang sa ang kalikuan ay nasumpungan sa iyo.

EZEKIEL 28:14‭-‬15 ABTAG


Halos lahat ng mga biblical scholar sa buong mundo ay naniniwalang ang talatang ito ay patungkol kay Satanas.Ayon sa talata,si Satanas pala ay isang kerubin na pinahiran sa simula ng syay lalangin.Kaya pala ayaw ng Diyos na kunin ang buhay niya nung matapos niyang linlangin sina Adan at Eva kasi tinupad lang ng Diyos ang kaniyang salita na huwag gawan ng masama ang kanyang mga pinahiran.Pag ginawa kasi ito ng Diyos,lalabas lumabag sya sa salita niya kasi ang salita ng Diyos ay batas.Hindi rin pwede magsinungling ang Diyos gaya ng sabi sa aklat ng Hebreo,


At ang dalawang bagay na ito – ang pangako niya at panunumpa – ay hindi mababago, dahil hindi magagawang magsinungaling ng Dios. Kaya tayong mga nagpakalinga sa kanya ay may matibay na pag-asang pinanghahawakan na gagawin niya ang ipinangako niya sa atin.

Hebreo 6:18 ASD


Pero pano tatapusin ng Diyos ang panlilinlang ni Satanas sa mga tao sa hinaharap kung hindi niya ito papatayin?


Ito ang magandang balita,



Inisip ng Diyos na hindi siya kaya ni Satanas kaya binigyan niya ito ng balanseng tunggalian.Dahil nalinlang ni satanas ang tao at ninakaw ang otoridad nito ,dapat ang tao din ang magbabalik nito sa sarili niya.Kaya bumaba ang Diyos sa lupa para maging tao sa pamamagitan ni Hesukristo upang bawiin kay satanas ang ninakaw niya sa tao.Dito mas lalong pumatas ang tunggalian.Sa pamamagitan ng kamatayan ni Kristo sa pagpako sa krus at pagkabuhay naman muli,natalo ng Diyos si Satanas sa tunggalian.Ibinalik ng Diyos sa tao sa pamamagitan ni Kristo ang lahat ng mga ninakaw ni satanas.Sa pamamagitan ng dugo ni Kristo,binayaran ang ating mga namana na kasalanan mula kay adan at eva sa pagkalinlang nila mula kay satanas.Ito rin kasi ang mga sinaunang batas ng mga Israelita kung sila ay nagkasala sa Diyos sila ay mag aalay ng dugo ng hayop para malinis ang kanilang kasalanan sa buong taon.


Ang sagot sa ikalawang tanong,


Hindi pinigilan ng Diyos si Satanas na linlangin sina Adan at Eva kasi ibinigay na ng Diyos ang lahat ng pahintulot at pamamahala ng tao sa lahat ng mga bagay mula sila ay lalangin at kasali na si Satanas dun sa ilalim ng pamamahala nila ayon sa Geneais 1:26.


26 Pagkatapos,(C) sinabi ng Diyos: “Ngayon, likhain natin ang tao ayon sa ating larawan, ayon sa ating wangis. Sila ang mamamahala sa mga isda, sa mga ibon sa himpapawid at sa lahat ng hayop, maging maamo o mailap, malaki o maliit.”


Sa kasamaang palad,hindi ginamit ni Adan at Eva ang kanilang otiridad na mmahala sa lahat ng mga bagay kundi nagpasailalim nalang sa pamamahala ng ahas.


Conclusion


Dalawang libong taon na nakalipas ng ibinalik ng Diyos ang otoridad at pamamahala ng tao sa pamamagitan ng kamatayan at pagkabuhay namang muli ni Kristo.Kaso,hanggang ngayon di pa rin alam gamitin ng mga Kristiyano ang otoridad na ito kasi andami paring mga Kristiyano ang matatakutin at nawawala ng landas dahil sa panlilinlang ni Satanas.Dapat tayong mga Kristiyano ang magtataguyod ng pamamahala sa lahat ng mga bagay na inaangkin ni Satanas.May kapangyarihan tayong makipaglaban kay Satanas sa pamamagitan ng salita ng Diyos.


Kaya gamitin natin ang ating dila sa salita ng Diyos laban sa kaaway.sapaklat dito natin sya matatalo.


Kawikaan 18:21

21Kamatayan at buhay ay nasa kapangyarihan ng dila; at ang nagsisiibig sa kaniya ay magsisikain ng kaniyang bunga.


6 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


  • Facebook
  • Twitter
  • LinkedIn

©2021 by Praise & Worship

bottom of page